Sunday, July 10, 2011

Bistado?

Isang gabi'y nagbalak rumampa
Sinuong madidilim na kalsada
Wala man lang mahada
Eh meron naman akong singkwenta

Sa aking paglalakad
Libog ko ay namumukadkad
Sana'y bumungad
Ang lalaking magaling sumagad

Ngunit isang nakamotorsiklo
Akala ko ay gwapo
at ubod na matipuno
Siya na ba ang lalasapin ko?

Ngunit pagdaan sa simbahan
Ako ay sinitsitan
Kaya siya naman ay nilapitan
Sana'y pwedeng luhuran

Oh anong kaba
at buntung hininga
Sa pag-aninag ng kanyang mukha
Ay, shet, kilala ko pala..

Nakilala kaya nya ako?
Ako ba ay bistado?
Sana ay hindi naman po
Sira ang hearthrob status ko nito

Ako'y nagpasyang umuwi
pero hindi kaya ng kati
Naghanap ng lalaki
Ako pa rin ay sawi.

Biglang dumaan si nakamotorsiklo
Ang mukha nya'y parang mabaho
"san ka pupunta, I know you!"
Bistado na ba nakupo?

Naglakad ng tuluyan
Pauwi sa tahanan
Umupo sa upuan
ng mahimasmasan

Ako ba'y namukhaan
ay hindi ko na alam
ng biglang mukha ko'y nasinagan
ng ilaw ng sasakyan

Si motorsiklo guy
na feeling nya siya'y bi
Eh halatang durog 'day
Mukhang pang bangkay

Mukhang kilala nya ako
at dahil sa takot mabisto
sa dilim ako'y tumakbo
at siya'y huminto

May binanggit na pangalan
Pero di katunog ng aking ngalan
Diyos miyo muntik-muntikan
malaman ang pagkakakilanlan

Lalabas pa kaya ako para tumikim?
O sadyang magmamaskara sa dilim
Puso ko'y naninimdim
Betlog sana'y wag magkimkim.

(Guys I need to change my route for quest of cocks LOL)

4 comments: